24 na party list groups diskwalipikado na sa halalan sa 2019
Ipinag-utos ng Commission on Elections (Comelec) ang diskwalipikasyon ng dalawampu’t apat na party list groups sa pakikilahok sa magaganap na May 2019 elections.
Sa resolution no.10273, ang diskwalipikasyon ay ibinase ng poll body sa hindi paglahok ng mga party-list organizations at hindi pagtatagumpay na magkamit ng pwesto sa huling dalawang halalan.
Nilagdaan ang resolusyon nina Comelec Acting Chairman Al Parreno at Commissioners Luie Tito Guia, Ma. Rowena Guanzon at Sheriff Abas.
Maaari namang maghain ng motion for reconsideration ang mga grupo na nadiskwalipika sakaling makatanggap na ng kopya ng resolusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.