Bahagi ng Las Piñas, Parañaque at Maynila mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw

Sampung oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Las Pinas City at Paranaque City.

Ayon sa abiso ng Maynilad, mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi ang water interruption sa Barangay Almanza Uno sa Las Pinas at Barangay BF Homes sa Paranaque.

Samantala, mula naman alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 3:00 ng madaling araw bukas, mawawalan ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa Maynila partikular sa bahagi ng Solis, T. Bugallon at Caloocan sa Barangays 203 at 204.

Pinayuhan naman ang mga maaapektuhang residente na mag-ipon na ng sapat na tubig na kanilang kakailanganin sa kasagsagan ng scheduled water interruption.

 

 

 

 

Read more...