Bahagi ng Pasay, QC, Marikina, Mandaluyong, Bulacan at Rizal, mawawalan ng suplay ng kuryente

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 21, 2018 - 07:11 AM

Magkakaroon ng power interruption sa ilang bahagi ng Pasay City, Quezon City, Marikina City, Mandaluyong City, Bulacan at Rizal.

Sa abiso ng Meralco, mula alas 8:00 ng umaga hanggang ala 1:00 ng hapon ngayong araw ay maaapektuhan ng power interruption ang bahagi ng Malibay partikular Airmen’s Village sa Villamor Airbase.

Ito ay dahil sa gagawing line reconductoring wok at pagpapalit ng bulok nang mga poste sa loob ng Villamor Airbase.

Sa Cubao, Quezon City mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon ay mawawalan ng suplay ng kuryente ang bahagi ng barangay Masagana at San Roque.

Samantala sa Marikina City naman, mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ay mawawalan ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Tumana, Doña Petra Subdivision at Cherry Compound sa Barangay Concepcion Uno.

Magpapalit kasi ng poste sa D. Mariano Street sa Barangay Concepcion Uno.

Sa Mandaluyong City, parehong oras din ang scheduled ng power interruption at apektado ang bahagi ng Barangay Addition Hills.

Sa Angat, Bulacan, mayroon ding power interruption sa parehong oras at apektado naman ang bahagi ng Barnagay Pulong Yantok.

Sa Binangonan Rizal naman, mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa buong Sto. Niño sa Barangay Bilibiran.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Angat, BInangnonan, Bulacan, Cubao, Marikina, Meralco, Pasay, power interruption, Radyo Inquirer, Angat, BInangnonan, Bulacan, Cubao, Marikina, Meralco, Pasay, power interruption, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.