Mag-asawa patay, binaril sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City

Drugs QC
Kuha ni Erwin Aguilon

Patay ang mag-asawa makaraang pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang bahay sa Manondo Compund, Lanszones Street, Barangay Payatas B sa Quezon City.

Kinilala ang mga biktima na sina Roberto Cuyo, 35 anyos at misis nito na si Rosabel Cuyo.

Ayon sa mga kapitbahay ng mag-asawa, kaninang pasado alas 12:00 ng hatinggabi ay nakarinig sila ng tatlong magkakasunod na putok ng baril na nasundan ng isa pa.

Umaga na nang madiskubre ang duguan at wala nang buhay na katawan ng mag-asawa na magkatabi pang nakahiga sa kanilang kama.

Narekober naman ng mga otoridad ang mga shabu parapernalia, mga basyo ng bala at slug ng kalibre 45 sa bahay ng mag-asawang Cuyo.

Dahil dito, hinihinala ng mga pulis na may kinalaman sa onsehan sa droga ang pagpatay sa dalawa.

Read more...