Pangulong Duterte, pabor sa abolisyon ng political dynasty

By Chona Yu, Rhommel Balasbas March 21, 2018 - 03:46 AM

‘I am for it. Ang problema lulusot ba yan?’

Ito ang sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagbabawal sa political dynasties sa buong bansa.

Sa kanyang talumpati sa 2018 General Assembly of the League of Municipalities of the Philippines sa Manila Hotel, sinabi ng pangulo na pabor siya na i-abolish ang political dynasty.

Gayunman, hindi naman siya sigurado kung lulusot ang panukala sa Kongreso.

Sinabi ni Duterte na naging tradisyon na sa Pilipinas na sakaling matapos na sa termino ang isang pulitiko ay kadalasang iniluklok ng taong-bayan ang asawa o anak nito sa pwesto.

Naging maugong ang planong abolisyon ng political dynasty matapos itong imungkahi ng binuong Consultative Committee ni Pangulong Duterte.

Ilan sa mga isinali sa bagong probisyon ay hindi na maaaring sundan ng kahit sinong kamag-anak hanggang sa second degree ang sinumang opisyal mula sa pambansa, rehiyonal o maging lokal na pwesto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.