Pampasaherong bus nahulog sa bangin sa Occidental Mindoro; 17 ang patay

By Justinne Punsalang March 21, 2018 - 03:25 AM

Photo courtesy of Jeverly Condicion Ambrocio

Nasawi ang labingpitong katao makaraang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa Occidental Mindoro.

Ayon kay Engr. Mariano Montales Jr., provincial administrator ng Occidental Mindoro, sakay ng Dimple Star bus ang 39 na pasahero nang ito ay mahulog sa bangin sa bahagi ng barangay batong buhay sa bayan ng Sablayan.

Labingpito aniya ang nasawi taliwas sa naunang napaulat na labingsiyam ang patay. Habang nasa dalawampu’t dalawa naman ang nasugatan.

Naganap ang aksidente pasado 9:30 ng gabi ng Martes.

Nakuha naman na ang lahat ng pasahero ng bus.

Ayon kay Montales, under construction ang bahagi ng kalsada kung saan nangyari ang aksidente pero wala aniyang obstruction sa daan kaya iimbestigahan nila kung ano dahilan kung bakit nawalan ng kontrol sa sasakyan ang driver ng bus.

 

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.