Menor de edad patay sa pamamaril sa North Caloocan

By Justinne Punsalang March 21, 2018 - 03:11 AM

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang menor de edad matapos itong pagbabarilin sa Barangay 176, Bagong Silang, North Caloocan.

Kinilala ang biktimang si John Paul Dagohoy, 17 taong gulang na residente sa lugar.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa mga otoridad, nasa labas ng bahay ng kanyang mga tiyahin ang biktima nang lapitan umano ng riding-in-tandem at limang beses na pinaputukan.

Isinugod pa ng kanyang ina ang biktima sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Samantala, matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga hindi pa nakikilalang mga salarin.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa motibo sa pamamaslang, maging ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.