El Niño sa southeast Asia, maaring magdulot ng epidemya ng dengue
Maaring mag-resulta sa pagkakaroon ng epidemya ng sakit na dengue ang nararanasang weather phenomenon na El Niño.
Sa isinagawang pag-aaral ng University of Pittsburgh Graduate School of Public Health, nakapagtatala ng pagtaas ng kaso ng dengue sa ilang mga bansa sa southeast Asia.
Sinabi ni Willem van Panhuis, assistant professor sa nasabing unibersidad, batay sa kanilang pag-aaral, ang pagtaas ng temperatura ay maaring magdulot ng large-scale dengue epidemics. “Large dengue epidemics occur unexpectedly, which can overburden the health care systems,” ayon kay Panhuis.
Lumitaw din sa pag-aaral na noong taong 1997 at 1998 kung kailan nakaranas din ng matinding epekto ng El Niño ay nakapagtala din ng mataas na kaso ng dengue.
Kapag mainit kasi ang temperatura ay mas mabilis na nakakapagpadami ang mga lamok.
Ayon kay Panhuis, ang kasalukuyang El Niño na nararanasan ay posibleng maging pinakamalala ang epekto sa kasaysayan sa nakalipas na 20 taon. “Our analysis shows that elevated temperatures can create the ideal circumstance for large-scale dengue epidemics to spread across a wide region.” Dagdag pa ni Panhuis.
Sa datos ng World Health Organization umaabot sa 400 million dengue infections ang naitatala taon-taon sa buong mundo.
Hanggang sa ngayon ay wala pang natutuklasang bakuna para maiwasan ang nasabing sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.