49 establishimento sa Siargao kinastigo ng DENR sa paglabag sa environmental laws

Inquirer file photo

Inisyuhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng notice of violations ang 49 business establishments sa isla ng Siargao sa Surigao del Norte.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ang mga resort at restaurant na inisyuhan ng notice of violation ay maaaring lumabag sa Clean Air Act, Clean Water Act, o Environmental Impact Statement System.

Ilan rin umano sa violations ng mga establisyimento ang kabiguang magsumite ng environmental compliance certificates o ECC mula sa DENR, at kawalan ng sewage treatment facility.

Ayon kay Cimatu, ang Siargao ay isa sa pinaka-magandang tourist spots ng bansa at dinarayo rin ito ng mga turista na mahilig mag-surfing, at gagawin umano nila ang lahat upang protektahan ang kalinisan at kagandahan ng isla.

Dagdag pa ng kalihim, ang Siargao ay sagana sa mga endemic na flora at fauna na protektado sa ilalim ng Proclamation Number 902 na pirmado ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Matatandaang noong nakaraang buwan, 81 establisyimento rin ang pinadalhan ng DENR ng Notice of Violation sa isla ng Boracay.

Read more...