Hindi prayoridad sa Senado ang ipinasang divorce bill sa Kamara.
Ito ang sinabi ni Sen. Dick Gordon at aniya lalabagin nito ang Saligang Batas na binibigyan proteksyon ang pagiging sagrado ng kasal.
Gayunpaman, sinabi ni Gordon na dapat din ikunsidera ang mga ganitong panukala lalo na kung hindi na talaga kayang ayusin ng mag asawa ang kanilang pagsasama at naapektuhan na ang kanilang anak sa kanilang sitwasyon.
Ibinahagi pa ng senador na may mga kasamahan siya na pabor sa pagkakaroon ng divorce law sa bansa ngunit hindi pa sila kumbinsido na napapanahon na ito.
Dagdag pa ni Gordon dapat ay hindi minamadali ang divorce bill.
Kahapon ay pinagtibay sa Kamara ang ang nasabing panukala pero malabo anya itong umusad dahil wala namang kahalintulad na panukala ang nakahain ngayon sa Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.