NBI inatasang imbestigahan ang sunog sa Manila Pavilion
Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up sa sunog na naganap sa Manila Pavilion Hote and Casino.
Sa department order ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, inatasan nito ang NBI na busisiin ang nangyaring sunog sa Manila Pavilion kung saan 5 ang nasawi at marami ang nasugatan.
Partikular na pinatutukoy ang posibleng pananagutang kriminal, sibil, at administratibo ng anumang ahensya o tanggapan ng gobyerno.
Gayundin ang posibleng pananagutan ng may-ari, managers at maging mga empleyado ng hotel/casino.
At kung mayroong matukoy na pananagutan ay inatasan ang NBI na magsampa ng kaso laban sa mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.