Pagtanggap kay Janet Napoles sa WPP kinwestyon ni Sen. Grace Poe

By Angellic Jordan March 20, 2018 - 11:22 AM

Kinuwestyon ni Senadora Grace Poe ang pagpasok ng umano’y utak sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles sa Witness Protection Program (WPP) ng gobyerno.

Paliwanag ng senadora, dapat hindi lumabas ang akusado bilang most guilty sa kaso bago maikonsidera maging state witness.

Mahirap aniyang magdepende lang sa testimonya ng mga kriminal para punan ang mga responsibilidad ng gobyerno na kumalap ng sapat na ebidensya sa kaso.

Pagtataka pa ni Poe, bakit kailangang bigyan ng special treatment ang isang tao.

Iginiit ni Poe na responsibilidad ng WPP na protektahan ang mga kwalipikadong testigo.

Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na patuloy na ang isinasagawang assessment ng Department of Justice (DOJ) sa ipinasang affidavit ni Napoles sa umano’y anomalya sa maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sa ngayon, nananatiling nakakulong si Napoles sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

 

TAGS: DOJ, grace poe, janet li, napoles, Radyo Inquirer, WPP, DOJ, grace poe, janet li, napoles, Radyo Inquirer, WPP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.