Motorist assistance program sa NLEX, SCTEX at CAVITEX para sa Holy Week inilunsad na

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 20, 2018 - 10:58 AM

NLEX Corp. Photo

Inilunsad na ng Metro Pacific Tollways ang motorist assistance program nito para sa mga bibiyahe ngayong Semana Santa.

Ang programa na may temang “Safe Trip Mo Sagot Ko” ay ipatutupad sa NLEX, SCTEX at CAVITEX.

Magtatayo ng motorist camps sa SCTEX na matatagpuan sa Floridablanca Res bay para sa mga Subic bound mula March 28 hanggang 29.

At sa nasabi ring lugar para sa mga Tarlac bound mula March hanggang April 1.

Sa nasabing mga motorist camp, mayroong Mechanic Service and First Aid Assistance mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.

Samantala, maglalagay namanng information at helpdesks sa mga gasoline stations sa kahabaan ng NLEX at SCTEX para din sa mga nabanggit na petsa.

Sa ilalim ng naturang assistance program magbibigay din ng 24-hour free towing services para sa mga class 1 vehicles sa panahon ng Semana Santa.

 

 

 

 

 

 

TAGS: CAVITEX, Metro Pacific Tollways, motorist assistance program, NLEX, SCTEX, CAVITEX, Metro Pacific Tollways, motorist assistance program, NLEX, SCTEX

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.