BREAKING: Klase sa lahat ng antas sa Metro Manila, sinuspinde ng Malakanyang

Suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa Metro Manila ngayong araw ng Martes, March 20.

Sa anunsyo mula sa tanggapan ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang klase dahil sa mga banta ng ilang grupo.

Layon aniya ng suspensyon na matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

“In view of actual and / or imminent threats posed by some groups, we are suspending classes at all levels in Metro Manila effective today, March 20, to safeguard the safety of students,” ayon sa anunsyo.

Para naman sa mga nasa lalawigan, ipinaubaya na ng Malakanyang ang pagsususpinde sa mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Roque na base sa utos ng pangulo, sususpindehin ang klase kahit maliit lang ang banta o epekto ng transport strike para masiguro ang kapakanan ng mga mag-aaral.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...