Isa sa mga nasawi sa sunog sa Manila Pavilion isasailalim sa DNA examination
Isasailalim sa DNA Examination ang mga labi ng isa sa mga nasawi sa sunog sa Waterfront Manila Pavilion and Casino sa Ermita, Maynila.
Sinabi ni Senior Inspector Reden Alumno, chief arson investigator ng Bureau of Fire Protection sa Lungsod ng Maynila, na partikular na isasailalim sa DNA examination ang sinasabing labi ni Jocris Banang, closed-circuit television o CCTV operator.
Ayon kay Alumno, hindi na kasi makilala ang mga labi nang ito ay kanilang matagpuan sa ilalim ng data video recording equipment.
Layunin ng gagawing DNA examination na mabigyang-daan ang maayos na pagproseso ng pamilya ng biktima sa death certificate nito at pag-asikaso sa mga benepisyo o claim na maari nilang makuha.
Ang kukuning tissue umano sa mga labi ng biktima ay ikukumpara naman sa tissue sample na kukunin sa isa sa mga miyembro ng pamilya Banang.
Si Banang ay una nang kinilala ng mga opisyal ng PAGCOR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.