Mga sundalo na nakipagbakbakan sa Marawi, gagawaran ng parangal sa anibersaryo ng Philippine Army

By Mark Makalalad March 20, 2018 - 09:35 AM

Bibigyan ng pagkilala ng pamahalaan ang mga sundalo na nakipagbakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Louie Villanueva, sa isasagawang anibersaryo ng Philippine Army sa Taguig alas-3:00 ng hapon ng Martes, gagawaran ng parangal ang mga magigiting na sundalo na lumaban para sa bansa.

20 sa kanila ang bibigyan ng order of Lapu-Lapu award habang ang 21 iba pa ay bibigyan din ng iba’t ibang military awards.

Paliwanag ni Villanueva, ibibida sa anibersaryo ang tagumpay ng army sa pagsugpo sa rebelyon sa Marawi at pagkontrol sa iba’t ibang threat groups.

Dadaluhan ang event ni Lt. Gen. Joselito Bautista, commanding general PA.

Samantala, panauhin namang pandangal si Special Assistant to the President Bong Go.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Anniversary, Marawi City, Philippine Army, Radyo Inquirer, Anniversary, Marawi City, Philippine Army, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.