Ang graft complaint na isinampa ni Efren de Luna, presidente ng ACTO ay bunsod ng umano’y mga iregularidad sa operasyon ng Transport Network Vehicles o TNV na GrabTaxi at Uber.
Ayon kay De Luna, nilabag umano ng dalawang opisyal ng LTFRB ang ‘Public Service Act’ dahil sa hindi pagkakaroon ng ‘fixed fare rates’ ng mga nabanggit na online based transport.
Dagdag pa ni De Luna, nagkaroon din ng pag-abuso ang LTFRB dahil sa agarang pagpayag ng mga ito sa mga TNV na makapag-operate nang walang sapat na konsultasyon sa kanilang sektor kung saan sila ang pangunahing apektado.
Binanggit pa ni De Luna sa kanyang complaint ang insidente noong September 8, nang mag-stranded ang libu-ibong mga commuter sa baha at traffic.
Sa naturang pagkakataon, tumanggi ang mga TNV na tumanggap ng mga pasahero hangga’t hindi pumapayag ang mga ito sa dagdag singil sa pasahe at tip sa kanilang mga driver.