Sanhi ng sunog sa Manila Pavilion hindi pa tukoy

Kuha ni Richard Garcia

Hindi pa rin matukoy ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng apoy sa sunog na naganap sa Manila Pavilion.

Ayon kay Manila fire marshal, Supt. Jonas Silvano iniimbestigahan pa rin nila ang mga pahayag na mayroong welding na ginagawa sa gusali nang mangyari ang sunog.

Isang slot machine operator kasi sa hotel and casino ang nagsabi na welding works ang pinagmulan ng apoy.

Sinabi ni Silvano na patuloy ang kanilang imbestigasyon at assessment upang malaman kung ano talaga ang ugat ng sunog.

Sa inisyal na pagsusuri, sa casino area sa unang palapag ng 22-story na Manila Pavilion nagmula ang sunog.

Samantala, sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi Manila MDRRMO Chief Johnny Yu na nananatili sa lima ang bilang n g nasawi sa sunog habang dalawa na lamang sa mga nasugatan ang nananatili sa ospital.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...