LGUs inatasan ng DILG na tiyaking tatapusin sa tamang oras ang kanilang road projects

By Mark Makalalad March 20, 2018 - 08:53 AM

Kasunod ng marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na tiyaking natatapos ng mga contractor ang road project sa kanilang lugar.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, sa isinagawang cabinet meeting kamakailan, sinabi nito na naririndi na ang pangulo sa paulit-ulit na reklamo na kanyang naririnig kaugnay sa mga proyekto sa kalsada na matagal nang nakatengga.

Bukod kasi sa delikado, ay nagdudulot ito ng abala sa publiko na araw-araw ay bumibyahe.

Giit ni Año, dapat masiguro ng mga mayor at governor na walang delay sa completion ng road projects dahil “hassle” umano ang epekto nito.

Ang hindi susunod na LGU sa kautusan ay magreresulta sa seryosong kaparusahan na katumbas ng negligence of duty na nakasaad sa probisyon ng Civil Service Rules and Regulations.

Samantala, sa pamamagitan ng memorandum circular 2018-30, sinabi rin ni Año na dapat ay nakikipag-ugnayan din ang mga contractor sa local traffic management group nang sa gayon ay magkaroon ng maayos na pagmamando ng trapiko sa project site.

Dapat din na sumunod ang mga contractors sa safety and precaution measures kasama na ang pagpoposte ng warning signages na nakalagay ng 50 hanggang 100 metro at may ilaw o reflector sa gabi para iwas aksidente.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, road reblocking, road repair, Radyo Inquirer, road reblocking, road repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.