Pulis na inireklamo ng pangingikil, arestado sa entrapment operation sa Cebu

By Mark Makalalad March 20, 2018 - 08:42 AM

Photo from CITF

Arestado ang isang pulis matapos ireklamo ng pangingikil sa Sangcianko kanto ng Junquera St. Cebu City.

Nakilala ang pulis na si PO3 Ritchie Camporedondo na nakatalaga sa Station 1 ng Cebu City Police Office.

Ayon kay Chief Inspector Jewel Nicanor, tagapagsalita ng Counter-Intelligence Task Force (CITF), nahuli ang pulis Lunes ng hapon makaraan silang maglunsad ng entrapment operation.

Nabatid kasi na nanghigingi ito ng pera kapalit ng pagpapalaya sa isang naaresto na may kaso umanong may kinalaman sa iligal na droga.

Nag-ugat ang operasyon sa pamamagitan ng isang reklamo na natanggap nila sa tanggapan ng CITF na ipinasa sa Cebu CPO.

Huli sa akto na nangingkil ang pulis at tumanatanggap ng P20,000 mula sa isang Richie Labus.

 

 

 

 

 

 

TAGS: CITF, PNP, police arrested in Cebu for extortion, radyo inqurier, CITF, PNP, police arrested in Cebu for extortion, radyo inqurier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.