Tubig sa Coron Bay sa Palawan kontaminado ng ‘coliform’
Natuklasan sa isinagawang pagsusuri ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na marumi at hindi ligtas ang tubig sa Coron Bay sa Palawan.
Ayon sa DENR, sa kanilang pag-monitor sa anim na lugar sa Coron Bay, 5 ang natuklasan nilang may mataaas na kontaminasyon ng ‘coliform’.
Kabilang sa mga apektado ang baybayin ng Barangay 1, 2, 5, Barangay Tagumpay, at reclamation area.
November 17, 2017 nang magsagawa ng sampling ang DENR sa lugar at hindi pumasa sa standard coliform ang mga nasabing lugar dahil sa mataas na fecal at total coliform na taglay ng tubig.
Sa Barangay 5 mayroong pinakamataas na total coliform na umabot sa 25,269 MPN o Most Probable Number.
Ang pinakamataas na total coliform ay ang Barangay 5 na nasa 25,269 MPN.
Habang sa Barangay 1 naman ang may pinakamataas na fecal coliform na 2,958 MPN.
POsible ayon sa DENR na ang ang dikit-dikit na mga bahay sa lugar ang dahilan ng pagdumi ng tubig.
Tinataya kasing aabot sa 1,000 informal settlers at iba’t ibang establisyimento ang matatagpuan doon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.