Ilang lugar sa Metro Manila maaapektuhan ng water interruption ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 20, 2018 - 07:43 AM

May nakatakdang water interruption ang Manila Water ngayong araw sa Mandaluyong City..

Apektado ng walong oras na interruption mula alas 10:00 ng gabi ng Martes hanggang alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules ang bahagi ng Barangka Drive, Barangka Ibaba, Hulo at Plainview.

Samantala, sa Quezon City naman, pitong oras ang water interruption na magsisimula alas 9:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas.

Apektado naman ng interruption ang bahagi ng Barangay Central at Barangay Culiat.

Samantala, sa abiso naman ng Maynilad, ilang lugar din sa Caloocan, Navotas, Maynila at QC ang mawawalan ng suplay ng tubig.

Mula alas 11:30 ng gabi mamaya hanggang alas 2:30 ng madaling araw bukas ay mawawalan ng suplay ng tubig ang Brgy. 177, at alas 10:30 ng gabi hanggang alas 3:00 ng madaling araw bukas sa Brgy. 12 sa Caloocan.

las 10 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga naman bukas ang water interruption sa bahagi ng Brgys. North Bay Boulevard at San Rafael sa Navotas.

Sa Maynila naman mula 10:00PM din hanggang 5:00AM bukas ang water interruption sa Brgys. 124-127, 129-146 at 177.

Sa Quezon City naman, 10:00PM hanggang 4:00AM ang waterruption sa Brgy. Paltok at 10:30PM hanggang 4:00AM sa Brgy. Greater Lagro.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan, Mandaluyong, manila, navotas, quezon city, water interruption, caloocan, Mandaluyong, manila, navotas, quezon city, water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.