Ex-PNoy, maaring makasuhan dahil sa realignment ng pondo para sa Dengvaxia
Maaring makasuhan si Dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa implementasyon ng vaccination program ng Dengvaxia.
Ayon kay House Committee on Good Government Chairman Surigao Del Sur Representative Johnny Pimentel, binubuo na ng kanilang panel ang committee report sa naging serye ng pagdinig sa isyu ng Dengvaxia.
Aniya, napatunayan sa isinagawang pagdinig na si Aquino ang naging dahilan ng realignment ng pondo na ginamit sa pagbili ng nasabing bakuna.
Dagdag pa ni Pimentel, ang pondong ginamit sa procurement ng bakuna ay nagmula sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na aabot ng 3 bilyong piso.
Kaugnay nito, una ng itinanggi ni Aquino na ang dengue vaccination program na nagsimula sa kanyang administrasyon ay minadali.
Aniya, sa katotohanan ay inabot ng limang taon ang proseso nito bago makumpleto.
Binigyang diin nito na ang pangangailangan sa pagkakaroon ng dengue vaccination program sa panahon ng kanyang termino ay kinakailangan dahil sa paglobo ng bilang ng mga kaso ng dengue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.