Ayon sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang episentro ng pagyanig sa layong 9 na kilometro sa southeast ng bayan ng Anda, Bohol.
May lalim itong labindalawang kilometro at tectonic ang pinagmulan ayon sa ahensya.
Naitala ang Intensity III na paggalaw ng lupa sa Tagbilaran City.
Wala namang iniulat na pinsala ang pagyanig sa mga struktura sa apektadong lugar.
MOST READ
LATEST STORIES