Pilipinas, ikatlong maaring pinaka-maapektuhan dahil climate change-report

By Rod Lagusad March 20, 2018 - 01:55 AM

 

Pumangatlo ang Pilipinas base ang report ng HSBC na maaring pinaka-maapektuhan na bansa ng climate change.

Nanguna ang India sa listahan habang nasa ikalawang pwesto ang Pakistan.

Nasa ikaapat naman na pwesto sa Bangladesh.

Nasa 67 mga bansa ang sinuri ng naturang bangko sa vulnerability pagdating sa epektong dulot ng climate change.

Kasama rin sa sinuri ang pagiging sensitibo sa mga weather events, exposure sa energy transition risks at abilidad na makatugon sa climate change.

Kinakatawan ng 67 bansa ang halos one-third ng mga bansa sa mundo.

Kumakatawan din ito sa 80 porsiyento ng populasyon ng bansa at ang 94 porsiyento ng global gross domestic product.

Pasok din sa sampu ang mga bansang Oman, Sri Lanka, Colombia, Mexico, Kenya at South Africa habang ang Finland, Sweden, Norway, Estonia at New Zealand ang limang bansa na ‘least vulnerable’ sa climate change.

Una ng naglabas ng ranking ang HSBC noong 2016 ngunit tanging ang G20 countries lamang ang kanilang nasuri.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.