Presyo ng stock ng Facebook, bumagsak ng $5-bilyon dahil sa ‘data scandal’

 

Nalaglag ng pitong porsiyento o katumbas ng limang bilyong dolyar kahapon ang shares of stock ng Facebook matapos mabunyag ang kontrobersiya sa likod ng data breach sa sikat na social networking site.

Nasasadlak sa iskandalo ngayon ang Facebook matapos lumutang ang balitang nagawang makuha ng isang data company ang nasa 50 milyong profiles ng mga Facebook users at pinadalhan ito ng mga political advertisement na layong isulong ang presidential bid ni Donald Trump noong nakaraang eleksyon.

Ito na ang pinakamalaking pagbulusok sa halaga ng stocks ng Facebook sa nakalipas na apat na taon.

Gayunman, sa kabila ng malaking kabawasan sa loob ng isang araw, nananatiling matibay pa rin ang estao ng Facebook sa kasalukuyan.

Bilang katunayan, nananatili pa rin sa 69.6 billion US dollars ang hawak na shares ni Zuckerberg sa Facebook.

Dahil dito, si Zuckerberg pa rin ang nasa ika-anim sa listahan ng pinakamayamang tao sa buong mundo.

Read more...