Pagpapaliban muli ng Bgy at SK polls, walang pag-asang makalusot sa Senado
Nakalusot man sa Kamara, hindi naman makakapasa sa Senado ang panukalang muling ipagpaliban ang Barangay at SK elections sa Oktubre.
Ito ay matapos makapasa sa third and final reading sa Kamara ang panukalang batas na ilipat muli ang SK at Barangay elections mula sa May 14, tungong October 8.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, walang pag-asang makalusot sa senado ang naturang panukalang batas dahil sadyang kapos na ang panahon upang pag-aralan pa ito.
Hanggang sa Byernes na lamang ang sesyon ng Senado bago ito mag-adjourn sa March 23.
Muling magbabalik ang mga mambabatas pagkatapos ng Lenten break sa May 14.
Gayunman, kanilang paglalaanan aniya ng sapat na panahon ang Divorce Bill na nakalusot na rin sa Kamara.
Paliwanag ni Pimentel, bagong konsepto ang diborsiyo at absolute dissolution of marriage sa Pilipinas kaya’t marapat lamang na kanila itong masusing pag-aralan./Jay Dones
Excerpt: Hanggang sa Byernes na lamang ang sesyon ng Senado bago ito mag-adjourn sa March 23.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.