Housing beneficiaries sa Iligan City kakasuhan dahil sa pagbebenta ng mga bahay
Itinakda na sa April 2 ang pagpapasara sa ilang pabahay sa Bayanihan Village sa Barangay Santa Elena, Iligan City na naunang inilaan para sa mga biktima ng Bagyong Sendong.
Ayon kay City Information Officer Jose Pantoja, magsasampa ng kaso ang gobyerno laban sa mga benepisyaryo ng pabahay na nagbenta gaunu rin sa mga bumili nito.
Proyekto ito ng Gawad Kalinga sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa pananalasa ng Bagyong Sendong noong December, 2011.
Mahigit kalahati ng 1,700 units ang ibinenta ng mga benepisyaryo gayong mayroon silang kasunuduan sa GK at lokal na pamahalaan na hindi maaaring ibenta, iparenta o i-develop ang unit.
Plano ng lokal na pamahalaan ng Iligan City na ipamigay ang mga mababawing unit sa mga biktima ng Sendong na hindi pa nare-relocate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.