Dating Comelec Chairman Bautista magsusumite na ng affidavit sa senado sa Lunes

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 19, 2018 - 12:24 PM

Nangako ang kampo ni dating Commission on Elections chairman Andres Bautista na magsusumite na ito ng kaniyang sworn affidavit sa senado sa susunod na Lunes, March 26.

Ito ay makaraang maglabas na ng arrest warrant ang senado dahil sa kabiguan ni Bautista na dumalo sa pagdinig

Ayon kay Atty. Anacleto Diaz kinakailangan pa ng panahon ni Bautista para pag-aralan ang mga detalye sa mga katanungan sa kaniya ng Senate committee on banks, financial institutions, and currencies.

Sa isinagawang pagdinig, sinabi ni Diaz na ang mga dokumento na umano ay kinuha ng dating asawa ni Bautista na si Patricia ay hindi pa naibabalik.

Sinabi ni Senator Francis Escudero, chairman ng komite na irerekomenda niya ang pagbawi ng arrest warrant sa sandaling maisumite ang affidavit.

Kailangan aniyang isumite agad ang affidavit habang hindi pa naka-break ang senado.

Kabilang sa pinasusumite ni Escudero kay Bautista ang bank waiver o detailed affidavit na sasagot sa mga alegasyon laba sa kaniya na mayroon umano siyang malaking halaga ng pera sa 35 bank accounts sa Luzon Development Bank.

 

 

 

 

 

TAGS: andres bautista, comelec, Radyo Inquirer, Senate, andres bautista, comelec, Radyo Inquirer, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.