Inspector ng BJMP sugatan sa pamamaril sa Cebu City

CDN Photo

Binaril ang isang inspector ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Cebu City kaninang umaga.

Nagtamo ng tama ng bala si Edwin Sarcon sa kanyang leeg.

Agad naman itinakbo sa ospital ang biktima.

Ayon sa pulisya, papunta sa BJMP regional office si Sarcon nang makailang-ulit siyang bariling ng suspek na sakay ng motosiklo.

Naganap ang insidente sa sa R. Duterte Street, kanto ng V. Rama Avenue sa Barangay Guadalupe dakong alas-7:30 ng umaga.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...