WATCH: LED lights, sirens, blinkers at iba pang illegal accessories na nakumpiska ng HPG, winasak sa Camp Crame
Hindi na mapapakinabagan pa ang libu-libong LED Lights, sirens, blinkers at iba pang illegal accessories na nakumpiska ng Highway Patrol Group matapos wasakin sa Camp Crame.
Lunes ng umaga, ginulungan ng bulldozer ang ang mga ipinagbabawal na motor gadget.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng Oplan Disiplinadong Driver ng HPG na sinimulan noong Oktubre 2017 at alinsunod sa Presidential Decree 96 na na nagbabawal sa mga maiingay at flashing device sa mga motor vehicle sa kalsada.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, panahon na para matigil ang pagsisigasigaan ng ilang motorista na nakaabala sa mga kapwa nila motorista sa kalsada.
Anya, wala silang sasantuhin sa kanilang kampanya maging ito man ay pulitiko.
Kasabay nito ay nanumpa rin ang nasa 1,500 HPG-Supervised Road Safety Marshals na magiging mata ng PNP sa kalsada.
Sila ay pawang mga volunteers na sumailalim sa training at law enforcement course.
Umaasa naman si Dela Rosa na sa pamamagitan nito ay mababwasan kahit papaano ang mga masasamang loob sa kalsada partikular na yung mga masasamang loob na gumagamit ng motorsiklo sa kanilang paggawa ng krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.