Mga senador walang alam sa treaty ng Rome Statute ayon sa pangulo

By Chona Yu March 19, 2018 - 09:48 AM

Binweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga asenador na bumabatikos sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute na lumilikha sa International Criminal Court (ICC)

Tinawag pa ng pangulo na “mga ugok” ang mga senador.

Hindi aniya maaring igiit ng mga senador ang isinasaad sa Rome Statute na isang taon pa bago maging epektibo ang pagkalas ng Pilipinas dahil sa una pa lamang hindi naging epektibo sa bansa ang treaty.

Hindi kasi aniya naipublish sa official gazette ang buong teksto ng treaty sa halip ay nilagdaan lamang noon ng pangulo ng bansa, niratipikahan ng senado at ipinasa sa Rome Statute.

Kung tutuusin ayon sa pangulo hindi umiiral ang batas sa Pilipinas.

“Sabi naman nitong isang mga ugok, mga senador pa, that it would take about one year bago ma-effective ‘yang withdrawal. Sus nako, ewan ko kung saan tayo aabot nito. You know, if it is not a published, there is no law. So there is no reason to withdraw something which is not existing. Walang batas eh,” ayon sa pangulo.

Ayon sa pangulo kaya lang niya ginawa ang pormal na pagkalas sa Rome statute bilang pagrespeto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ICC, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, rome statute, treaty, ICC, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, rome statute, treaty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.