Pulis at 2 iba pa arestado sa pagbebenta ng shabu sa QC

By Donabell Dominguez-Cargullo March 19, 2018 - 09:20 AM

Arestado ang isang pulis at dalawang iba pang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Cubao, Quezon City.

Ang pulis na nadakip ay may ranggong police officer 2 at nakatalaga sa Holding and Accounting Unit sa Camp Crame.

Kasama niyang nadakip ang isa retiradong pulis at isang sibilyan.

Ang naturang mga suspek ay nasa watchlist ng Quezon City Police Station 7 dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal ng mga gamot at kadalasang mga call center agent umano ang kanilang parokyano.

Nakuha mula sa tatlo ang 19 na sachet ng shabu na tinatayang nasa P20,000 ang halaga.

 

 

 

 

 

TAGS: metro news, police arrested in QC buy bust, quezon city, Radyo Inquirer, metro news, police arrested in QC buy bust, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.