Bahagi ng Antipolo City, limang oras na mawawalan ng suplay ng kuryente

Limang oras na mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Antipolo City.

Ayon sa Meralco, maapektuhan ng power interruption ang ilang lugar sa Barangay Dela Paz.

Magsisimula ang interruption alas 9:00 ng umaga ng Lunes, March 19 at tatagal hanggang alas 2:00 ng hapon.

Partikular na maaapektuhan ang Mt. Apo Street mula sa Mt. Gambier Street hanggang sa Daang Bakal
Road sa Fairmont Hills, Subdivision.

Ayon sa Meralco ang dahilan ng interruption ay ang isasagawang relocation ng facilities sa nasabing lugar.

 

 

 

 

 

 

Read more...