Hirit na mailipat si Napoles sa kostodiya ng DOJ, diringgin ng Sandiganbayan
Dedesisyunan ngayong umaga ng Sandiganbayan ang hirit ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles na siya ay mailipat sa kostodiya ng Department of Justice.
Isasagawa ng anti-graft court ang pagdinig alas 8:30 ngayong umaga.
Noong Biyernes, hiniling ni Napoles sa Sandiganbayan na mailipat na siya sa kostodiya ng DOJ makaraang matanggap siya sa provisional Witness Protection Program.
Sinabi ni Napoles na para maibigay ng DOJ-WPP ang mga benepisyo na nararapat sa kaniya sa ilalim ng nasabing programa ay dapat siyang mailipat sa kostodiya ng ahensya.
Sa ngayon ay nakakulong si Napoles sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.