Patay sa sunog sa Manila Pavilion umakyat na sa lima
Natagpuan ang dalawa pang bangkay sa nasusunog na bahagi ng Waterfront Manila Pavilion Hotel and Casino sa lungsod ng Maynila.
Nakita ang bangkay sa ikalimang palapag alas 12:40 ng madaling araw at nailabas ito dakong ala 1:30 ng madaling araw.
Habang bago mag-tanghali, inanunsyo ng Bureau of Fire Protection na natagpuan ang labi ng isa pang napaulat na nawawala.
Dahil dahil umabot na sa lima ang naitalang nasawi sa sunog.
Kinilala ang lima sa mga ito na sina:
1. De Castro, Billy
2. Evangelista, Edilberto Braga
3. Omadto, Marilyn
4. Sabido,John Mark
Habang kinukumpirma pa ng BFP ang ulat na pumanaw na ang isang PAGCOR employee na kritikal ang kondisyon sa ospital.
Hindi naman bababa sa 17 staff ng hotel at guest ang nasaktan habang 300 na guests ang ligtas na nakalabas.
Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon sa sunog na nagsimula bago mag alas 10:00 pa ng umaga kahapon araw ng Linggo.
Napag-alaman din ng mga Manila Fire Bureau na under renovation ang 2nd floor ng gusali batay sa pahayag ng mga empleyado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.