Easterlies pa rin ang naka-aapekto sa silangang bahagi ng bansa

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, ang buong rehiyon ng Caraga at Davao ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at isolated na thunderstorms ngayong araw.

Maari itong magdulot ng pagbaha at landslides sa ilang lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na maaring maranasan.

Samantala sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan.

Kahapon naging mainit at maalinsangan pa rin ang panahon sa bansa at sa Metro Manila nakapagtala ng maximum temperature na 32.8 degrees Celsius.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...