Walang masama sa political dynasty basta mabuti ang pamilya – Sen. Villar

By Rhommel Balasbas March 19, 2018 - 04:00 AM

 

Sinabi ni Sen. Cynthia Villar na walang masama sa mga political dynasty basta’t alam ng mga taong mabuti ang ibobotong kandidato kahit galing pa ang mga ito sa iisang pamilya.

Ito ang iginiit ni Villar sa tanong ng isang mamahayag kung mahalaga ba ang isang anti-dynasty measure sa panukalang pag-amyenda sa konstitusyon sa kasagsagan ng Kadalag-an Festival sa Victorias City, Negros Occidental.

“It is here to stay. What is important is that it is a good dynasty… “It’s something that is natural. What is important is that people learn to elect good public officials, whether they belong to one family or not…” ani Villar.

Ang anak ng senadora na si Mark Villar ay kasalukuyang kalihim ng Department of Public Works and Highways habang ang asawa naman nito na si Manny ay dating senador at tumakbo rin sa pagkapangulo.

Ipinaliwanag pa ng senadora na maging sa mayayamang bansa tulad ng Estados Unidos ay may political dynasties.

Ayon kay Villar, ang Kongreso pa rin ang magdedesisyon sakaling irekomenda pa ng Constitutional Committee sa pamumuno ni dating Chief Justice Renato Puno ang abolisyon ng political dynasties sa nilulutong bagong konstitusyon.

Dagdag pa ng senadora, dapat maturuan ang mga mahihirap na maging ‘economically independent’ dahil ito ang magiging dahilan para maging ‘politically independent’ ang mga ito at makaboto sa mga nararapat na kandidato.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.