PPCRV nais na maging citizen arm ng COMELEC para sa 2018 Barangay and SK Elections
Nagpetisyon ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Commission on Elections (COMELEC) na maging citizen’s arm nito sa nakatakdang may 14 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Sa kanilang petisyon, hinimok ni PPCRV Chaiperson Rene Sarmiento ang Comelec na gawing partner ang PPCRV sa pagtulong sa mga botante, pagpapabatid ng impormasyon at maging pagbibigay ng resulta ng halalan sa publiko.
“PPCRV seeks to continue to serve as the citizen’s arm of the Honorable Commission for the forthcoming Barangay and Sangguniang Kabataan Elections to be conducted on the second Monday of May 2018 or on 14 May 2018,” ayon sa petisyon.
Ang PPCRV ay ang accredited na citizen’s arm ng Comelec noong May 2016 Presidential elections.
Nabuo ang konsehong ito noong October 1991 na isang programa ng Arkidiyosesis ng Maynila bilang paghahanda sa 1992 elections.
Malaki ang operasyon ng PPCRV sa buong bansa na binubuo ng mga indibidwal mula sa voting age na mayroong mga chapters mula sa mga parokya sa mga lungsod, munisipalidad hanggang sa mga lalawigan.
Sakaling ma-accredit ay makakapagsagawa ang grupo ng forum ng mga kandidato, voters’ education maging poll watching at canvassing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.