Bukod sa social media, hindi rin nagsahimpapawid ang mga istasyon ng telebisyon at radyo at hindi rin lumabas ng kanilang mga tahanan ang may 4 na milyong residente ng isla bilang pakikiisa sa okasyon.
Sinimulan ang tinatawag na ‘Nyepi’ alas sais ng umaga ng Sabado at tumagal hanggang Linggo ng umaga.
Upang matiyak na sinusunod ng mga residente ang kautusan, ilang mga pulis lamang ang makikita at nagbantay sa maghapon at magdamag sa mga lansangan.
Ang Nyepi o Balinese Day of Silence ay ginugunita taun-taon sa Bali, Indonesia.
Ito ay ginugunita ng mga taga-Bali sa pamamagitan ng isang araw ng katahimikan, pag-aayuno at meditasyon.