Buong isla ng Bali sa Indonesia, isang araw nagsara bilang paggunita sa ‘Nyepi’

By Jay Dones March 19, 2018 - 02:35 AM

 

Isang araw na nawalan ng internet, serbisyo ng mga cellphone at isinara ang paliparan at mga tindahan sa Bali, sa ‘Day of Silence’ na araw ng paggunita sa New Year para sa Balinese Hindu religion.

Bukod sa social media, hindi rin nagsahimpapawid ang mga istasyon ng telebisyon at radyo at hindi rin lumabas ng kanilang mga tahanan ang may 4 na milyong residente ng isla bilang pakikiisa sa okasyon.

Sinimulan ang tinatawag na ‘Nyepi’ alas sais ng umaga ng Sabado at tumagal hanggang Linggo ng umaga.

Upang matiyak na sinusunod ng mga residente ang kautusan, ilang mga pulis lamang ang makikita at nagbantay sa maghapon at magdamag sa mga lansangan.

Ang Nyepi o Balinese Day of Silence ay ginugunita taun-taon sa Bali, Indonesia.

Ito ay ginugunita ng mga taga-Bali sa pamamagitan ng isang araw ng katahimikan, pag-aayuno at meditasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.