PAGCOR nangakong tutulungan ang pamilya ng mga namatay sa sunog sa Manila Pavilion

By Justinne Punsalang March 19, 2018 - 12:03 AM

 

Courtesy: SAP Bong Go

Nangako ang pamunuan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tutulungan nila ang pamilya ng tatlo nitong mga empleyado na namatay sa sunog Manila Pavilion Hotel and Casino.

Ayon kay PAGCOR assistant vice president for communications Carmelita Valdez, nasa loob ng treasury office ang tatlong mga empleyado dahil bahagi ng kanilang standard operating procedures (SOP) na i-secure muna ang kanilang mga assets bago umalis ng gusali.

Ani Valdez, handang makikipag-usap ang pamunuan ng PAGCOR sa mga naiwang pamilya ng tatlong empleyado.

Samantala, dalawang iba pang mga empleyado ng PAGCOR ang nananatiling nasa kritikal na kundisyon dahil sa insidente.

Nais rin ni Valdez na magsagawa ng masusing imbestigasyon tungkol sa nangyaring sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.