Duterte sa mga PMA graduate: ‘Ako na bahala sa inyo’

By Justinne Punsalang March 18, 2018 - 08:35 PM

 

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong graduate ng Philippine Military Academy (PMA) na suportado niya ang mga ito.

Sa pagdalo ng pangulo sa commencement exercises ng PMA Alab Tala (Alagad ng lahing Binigkis ng Tapang at Lakas) Class of 2018 ay sinabi nito na hindi niya pababayaan ang sinumang miyembro ng pulis at militar.

Ayon sa pangulo, siya na ang bahala sa mga ito, basta’t gawin lamang ng mga pulit at militar ang kanilang mga trabaho nang naayon sa batas.

Batid rin aniya ng pangulo ang hirap na pinagdadaanan ng mga bagong miyembro ng militar ngunit naniniwala siya na handa ang mga ito na harapin ang mas malalaki pang mga challenges sa pagprotekta sa bansa.

Pinaalalahanan pa ng pangulo ang mga graduates na dapat nilang isapuso ang tatlong salita: “courage, integrity, loyalty.”

Si Cadet 1st Class Jaywardene Galilea Hontoria na isang nurse mula Pavia, Iloilo ang class valedictorian at ginawaran ni Pangulong Duterte ng Presidential Saber.

Samantalang si Vice President Leni Robredo naman ang naggawad ng Vice Presidential Saber kay Cadet 1st Class Ricardo Witawit Liwaden na tubo pa ng Barlig, Mountain Province.

Ang iba pang mga nanguna sa Alab Tala Class of 2018 ay sina:
– Cadet 1st Class Jun-Jay Malazzab Castro, (Top 3) mula Cagayan
– Cadet 1st Class Leonore Andrea Cariño Japitan, (Top 4) mula Butuan City
– Cadet 1st Class Mark Jantzen Nono Dacillo, (Top 5) mula Zamboanga City
– Cadet 1st Class Jezaira Laquinon Buenaventura, (Top 6) mula Negros Oriental
– Cadet 1st Class Jessie Antonio Laranang, (Top 7) mula Tarlac
– Cadet 1st Class Paolo Balla Briones, (Top 😎 mula Baguio City
– Cadet 1st Class Jayson Raymundo Cimatu, (Top 9) mula Aurora
– Cadet 1st Class Micah Quiamboa Reynaldo, Top 10) mula Tarlac

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.