Pagpapasya sa pagpasok ni Napoles sa WPP, ipinauubaya ni Pang. Duterte kay SOJ Aguirre

By Chona Yu March 18, 2018 - 03:25 PM

Inquirer file photo

Ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagpapasya kung itutuloy ang pagpasok sa Witness Protection Program kay pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Aguirre na personal niyang sinabi sa pangulo na balak niyang gawing state witness si Napoles para sa mga bagong isasampang kaso sa pork barrel scam.

Ayon kay Aguirre, ang tanging tugon ng pangulo sa kanya ay bahala ka na diyan.

Malakas ang paniniwala ni Aguirre na tama ang kanyang ginagawa dahil marami pang impormasyon na isisiwalat si Napoles.

Ayon kay Aguirre, sa ngayon, nakadepende pa sa testimonya ni Napoles kung matutuloy ito sa WPP.

Hindi rin aniya pag-aaksaya ng pera ng bayan ang pagpasok kay Napoles sa WPP dahil mas marami ang makukuhang pakinabang ng taong-bayan kapag naparusahan na ang iba pang personalidad.

TAGS: DOJ-WPP, janet lim-napoles, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, pork barrel scam, Rodrigo Duterte, DOJ-WPP, janet lim-napoles, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, pork barrel scam, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.