2 sa 4 na nasawi sa sunog sa Manila Pavilion nakilala na

Photo credit: @DickGordonDG

(Developing) Nakilala na ang dalawa sa apat na nasawi sa nasusunog na WaterFront Manila Pavilion Hotel sa lungsod ng Maynila.

Batay sa ulat ni Manila Police District (MPD) spokesman Supt. Erwin Margarejo, ang mga nasawi ay sina Jun Evangelista, Treasury Officer at Billy De Castro na isang intern security.

Ang dalawa sa mga nasawi ay hindi pa nakikilala habang missing naman o nawawala sina Mark Sabido at Joe Cris Banaag na kapwa-CCTV Operators ng Manila Pavilion Hotel.

Ang apat sa mga nasawi ay idineklarang dead-on-arrival sa Manila Doctors Hospital.

Nakilala naman ang lima sa 17 nasugatan sa insidente na sina Marilyn Omadto, Edilberto Evangelista, Jennifer Figueroa at Billy De Castro.

11:30 ng linggo ng tanghali nang itaas sa Task Force Bravo ang sunog at patuloy pa ring inaapula hanggang sa mga sumadaling ito.

Read more...