BREAKING: Sunog sa Manila Pavilion hotel, inakyat na sa Task Force Alpha
(Developing) Itinaas na sa Task Force Alpha ang sunog na nagaganap sa Water Front Manila Pavilion sa panulukan ng United Nations Avenue at Maria Orosa sa Ermita, Manila.
Pasado 11:00 ng tanghali ng Linggo nang itaas sa Task Force Alpha ang sunog.
Ayon kay Supt. Jonas Silvano, district fire marshall ng BFP-Manila, nagsasagawa ng search, rescue and evacuation operations sa lugar para matiyak na walang maiiwaan sa nasusunog na gusali.
Kinumpirma rin nito na may ilan nang isinugod sa pagamutan matapos makaranas ng pagkahilo sanhi ng usok.
Samantala, sinabi naman ni Director Jhonny Yu ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office na batay sa kanilang impomasyon, hindi bababa sa 10 indibiduwal pa ang naiwan sa loob ng nasusunog na gusali.
Kaya nagpadala na rin aniya sila ng special rescue team para agad na masagip ang mga pinangangambahang na-trapped sa loob ng Manila Pavilion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.