Most wanted na suspek sa pagnanakaw sa Taguig, arestado

By Angellic Jordan March 18, 2018 - 10:25 AM

Arestado ang isa sa Top Three Most Wanted ng Southern Police District (SPD) sa Taguig City, Linggo ng madaling-araw.

Nakilala ang suspek na si Arlo Labjata alyas Palos, miyembro ng Sputnik Gang.

Ayon kay Police Sr. Insp. Romel Bulan, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad, nakatanggap sila ng impormasyon na nakitulog ang suspek sa isang bahay sa bahagi ng Zone 2, Barangay Fort Bonifacio.

Sa bisa ng warrant of arrest, naaresto ang suspek na may two counts ng pagnanakaw sa naturang lungsod.

Maliban dito, sinabi rin ni Bulan na wanted din ang 23-anyos na suspek sa lungsod ng Makati dahil sa kaso ng pagnanakaw.

Giit naman ni Labjata, nagawa lang niya ang krimen para mabigay ang pangangailangan ng kaniyang dalawang anak.

Samantala, nanawagan si Bulan sa mga nabiktima ng suspek na agad dumulog sa kaniyang tanggapan para makipag-ugnayan sa kaso.

TAGS: Arlo Labjata, Oplan Galugad, SPD, taguig, Arlo Labjata, Oplan Galugad, SPD, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.