Kapuso star Ryza Cenon, naiuwi ang Yakushi Pearl Award mula isang film fest sa Japan

Photo credit: Liza Diñ-Seguerra

Naiuwi ng Kapuso actress na si Ryza Cenon ang Yakushi Pearl Award o Most Brilliant Performer Award mula sa 2018 Osaka Asian Film Festival sa Japan.

Gamit ang kaniyang Facebook account, inanunsiyo ni Film Development Council of the Philippine Chairperson Liza Diño-Seguerra ang pagkapanalo ni Ryza.

Kinilala ang ipinamalas na talento sa pag-arte ng aktres sa kaniyang pagganap sa pelikulang ‘Mr. and Mrs. Cruz’.

Kasama ng ‘Ika-6 na utos’ star sa naturang pelikula si Jake Cuenca.

Samantala, maliban kay Ryza, pinangaralan din ang direktor na si Mikhail Red ng Most Promising Talent Award para sa pelikulang “Neomanila.”

Matatandaang nanalo rin ng kaparehong parangal si Iza Calzado noong nakaraang taon para sa pelikulang “Bliss.”

Read more...