Local vapers, umapela na bumuo ng bagong regulasyon para sa e-cigarette
Umapela ang isang grupo ng local vapers sa mga mambabatas na bumuo ng alituntunin para sa paggamit ng electronic cigarettes o mas kilala bilang vape.
Ito ang ginagamit ng ibang naninigarilyo bilang alternatibo mula sa tobacco.
Inirekomenda ng Vapers Philippines ang paghihiwalay ng e-cigarettes sa Republic Act 9211 o Tobacco Regulation Act at magsama ng iba pang regulasyon sa e-cigarettes pagdating sa advertising, promotion, pagbebenta at paggamit nito.
Giit ni Mark Czerwin Erana, tagapagsalita ng grupo, mariin nilang pinaniniwalaan na hindi dapat magkasama ang vaping at paninigarilyo.
Ayon naman kay Joey Dulay, pinuno ng Philippine E-cigarette Industry Association (Pecia), makatutulong ang panukalang pagbuo ng bagong regulasyon sa e-cigarettes sa milyun-milyong Pilipino na huminto sa paninigarilyo at makaiwas sa mga sakit na dulot ng tobacco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.