Presyo ng diesel bumaba, gasolina tumaas ngayong Martes, October 6

Inquirer file photo

Nag-abiso na ang Petron, Shell Philippines, at Seaoil na sila’y magdaragdag sa presyo ng kanilang gasoline products ng P0.20 sentimos bawat litro ngayong Martes, October 6.

Samantala, P0.15 sentimos kada litro naman ang kanilang idaragdag sa presyo ng kerosene .

Gayunman, magbabawas naman ng P0.10 sentimos ang tatlong kumpanya sa kanilang diesel products.

Magiging epektibo ang price adjustment ng Petron at Shell mamayang alas- 6:00 ng umaga samantalang alas 12:01 ng madaling-araw kanina umiral ang price adjustment ng Seaoil.

Samantala, ang Eastern Petroleum ay nagpatupad na rin ng price increase na P0.15 sentimos sa kanilang gasolina samantalang P0.15 sentimos na dagdag naman sa diesel kaninang 12:01 AM.

Read more...